- ANG DAIGDIG SA PANAHON NG TRANSISYON
The Parthenon Παρθενών (Greek)
The Colosseum (
SA MGA MAG-AARAL
- Ang module na ito sa Kasaysayan ng Daigdig ay ginawa upang maragdagan ang kaalaman at kahusayan ng lahat ukol sa nilalaman nito. Nakatuon ang ikalawang yunit sa daigdig sa panahon ng transisyon. Ang yunit na ito ay binigyan ng iba’t ibang uri ng pagpapalawak ng isipan tulad ng mga pagsasanay, drill, pagsusulit at mapaghamon na mga tanong upang higit na masukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa kasaysayan. Sa module na ito, ginagamit ang iba’t ibang estratehiya upang malinang ng sapat ang kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsunod sa mga gawaing naangkop sa leksyon. Ginagawa rin ito upang masubaybayan ng guro kung saan may kahinaan ang mag-aaral sa mga araling nabanggit . Maari rin itong maging paraan ng pagsubok ng mag-aaral sa pag-aaral nang nag-iisa, grupo o pangkat-pangkat. Sana ay maging malaking tulong ang module na ito sa inyo at sikaping tuklasin ang sariling kakayahan.
Nilalaman
Mga Layunin …………………………………………………………..… 2
Nilalaman: Kadakilaan ng Greece…………………………………………. 2 - 3
Kamarhalikaan ng Rome……………………………………… 4 - 5
Pagsasanay:………………………………………………………………. 6
Gawain………………………………………………………………… 6 - 7
Gawain 2.1…………………………………………………………… 8
Gawain 2.2 …………………………………………………………… 9 - 10
Gawain 3.1 …………………………………………………………… 11
Gawain 4 ……………………………………………………………… 12
Gawain 5 ……………………………………………………………… 13
Gawain 6 ………………………………………………………………. 13
Gawain 7 ……………………………………………………………… 14
Gawain 8 ……………………………………………………………… 15
Gawain 9 ……………………………………………………………… 15
Gawain 10 ……………………………………………………………... 16
Ebalwasyon ……………………………………………………………. 17
Mga kasagutan …………………………………………………………… 18 - 21
Reference ………………………………………………………………… 22
YUNIT II ANG DAIGDIG SA PANAHON NG TRANSISYON
Kabihasnang Klasikal sa Mediterranean
Mga Layunin
Sa katapusan ng kabanata, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Mailalarawan ang pagkabuo ng imperyong Griyego;
2. Mailalahad ang pagyabong ng Helenistikong kultura;
3. Matatalakay ang pagkabuo ng kulturang Romano;
4. Matatalakay ang pagsilang ng imperyong Byzantine; at
5. Mapahahalagahan ang mga kontribusyon ng klasikal na kabihasnang Mediterranean.
Monarkiya – pamamahala ng hari at reyna
Triumvirate --- alyansa ng tatlong katao
Polis – maliit at malayang lungsod
Acropolis -- mataas na lungsod
Tyrant -- malupit o mapaniil na pinuno
Phalanx -- lupon ng mga kawal na masinsin
Nilalaman
Kadakilaan ng Greece.
Isang mataas na uring kabihasnan ang nalinang ng mga Minoan sa mabundok na pulo ng Crete sa dulong Timog ng Dagat Aegean.
Sa pagitan ng 1900-1100B.C., ang Greece ay pinanahanan ng mga Achaen at Dorian. Nagkaroon ng 200 taong tunggalian sa pagitan ng dalawang pangkat na ito. Tinawag itong Panahon ng Karimlan sa Greece.
Sa paglaki ng populasyon ng Greece, lumiit ang lupaing pansakahan. Nagsimulangmandarayuhan ang mga Griyego sa iba’t ibang pulo ng Aegean, baybay-dagat ng Mediterranean, Asia Minor at Italy. Sa pamamagitan ng kalakalan, nagtagpo ang kulturang Griyego at kulturang Silanga
Sa pagtatatag ng mga pamayanan sa iba’t ibang dako, itinatag ang lungsod-estado o polis, isang maliit at malayang lungsod sa bawat pamayanan. Naging malaki ang impluwensiya ng heograpiya sa pagkakahiwa-hiwalay ng mga tribu at sa pagiging Malaya ng mga polis sa isa’t isa.
Nalinang ang unang konsepto ng demokrasya sa Greece. Sa simula, isang monarkiya ang uri ng pamahalaan sa polis na ito. Sinundan ito ng aristokrasya. Sa pamumuno ng hari o ng konseho ng mga maharlika, ang mga mamamayan ay nakikilahok sa pamamahala. Maagang nakilala ng mga Griyego ang konsepto ng pamamahala ng mga tao – ang mga tao ay may kakayahan at dapat na pamahalaan ang kanilang mga sarili at hindi ng iba.
Ang Athens ang pinakademokratikong lungsod-estado ng Greece. Sina Draco, Solon, Pisistratus at Cleisthenes ang mga Griyegong namahala upang maging isang malakas at demokratikong lungsod-estado ang Athens.
Ang Sparta ay isang militar na lungsod-estado. Binibigyan ng higit na pansin sa Sparta ang maging mahusay ang mga mamamayan sa mga kasanayang militar.
Tatlong ulit na tinagkang sakupin ng Persia ang Greece sa pamumuno ni haring Darius. Ninais din ni Xerxes, anak ni Darius, na mapasailalim ng Persia ang Greece, ngunit siya ay nabigo. Ang Sparta ay napalaban din sa mga Persiano sa Labanan sa Thermopylae.
Upang maipagtanggol ang mga kolonyang itinatag ng mga griyego sa Asia Minor, itinatag ng Athens ang Delian League. Ang Sparta naman ay bumuo rin ng isang kompederasyon na tinatawag na Peloponnesian League. Hindi nagtagal, sumiklab ang digmaang Pelopennesian sa pagitan ng dalawang pangkat na ito na tumagal ng 27 taon (431-404 B.C.). Ang mahabang paglalabanan ng mga lungsod-estado ay nagpahina sa kapangyarihan ng Greece. Noong 338 B.C.. nasakop ang bansa ni Haring Philip ng Macedonia.
Binigyan ni Haring Philip ng kalayaang pamahalaan ng mga lungsod-estado ang kanilang mga teritoryo. Si Alexander the Great, anak ni Haring Philip, ay higit na pinalawak ang nasasakupang imperyo. Naitatag niya ang lungsod ng Alexandria sa bukana ng Ilog Nile sa Egypt at nasakop niya ang Persia.
Malaki ang nagawa ni Alexander the Great sa Pagpapalaganap ng kulturang Helenistiko. Sa Pagkamatay ni Alexander the Great,nahati ang kanyang imperyo sa tatlong heneral na sina
Ptolemy, Antigonus at Seleucus.
Maraming mahahalagang bagay na ipinamana ang Greece sa sangkatauhan.Ilan sa mga ito ang iba’t ibang uri ng pamahalaan,mga pilosopiya nina Socrates, Aristotle at Plato at iba’t ibang uri ng Sining.
Kamaharlikahan ng Rome
Nagsimula ang kabihasnang Romano sa mga pampang ng Ilog Tiber sa kapatagan ng Latium sa tangway ng Italy. Dito nanahanan ang mga Latin, Etruscan at iba pang mga tribu na nagsimula sa hilagang bahagi ng Dagat Caspian at Dagat Black.
Ang Rome ang naging pinakamalakas at pinakamakapangyarihan sa mga lungsod-estadong natatag sa Latium. Republika ang unang uri ng pamahalaang itinatag sa Rome. Naghimagsik ang mga plebeian dahil tanging ang mga maharlika lamang ang may kapangyarihan. Bunga ng pag-aalsa ng mga ito, pinagkalooban sila ng mga karapatan at hindi nagtagal, isinulat ang mga batas sa 12 lapidang tanso.
Sa paglakas ng Rome bilang isang lungsod-estado, naharap ito sa maraming labanan at tunggalian. Nagsagupaan ang Rome at Epirus tungkol sa pagsakop sa mga lungsod-estado sa Greece. Natalo si Haring Phyrrhus ng Greece ngunit isa itong napakamahal na tagumpay. Sa muling pagtatanggulian, tinalo ng hukbo ng Rome ang hukbo ni Haring Pyrrhus. Ang tatlong Digmaang Punic naman ay tunggalian sa pagitan ng Rome at Carthage.Tinalo ng Rome ang Carthage at itinanghal ang una bilang reyna ng dagat Mediterranean.
Sinikap ng magkapatid na Tiberius at Gaius Gracchus na mapaangat ang kalagayan ng mahihirap. Ngunit ang kanilang mga pagsisikap ay nahadlangan ng Senado. Nag-alsa ang mga alipin sa pangunguna ni Spartacus ngunit ang mga ito ay nabigo ring mabigyan ng higit na mga karapatan.
Sa panahon ng Republika, tatlong pinuno ang kinilala:sina Gaaeus Pompey,Marius Licinius Crassus Dives at Julius Caesar.Sa tatlong ito, si Julius Caesar ang naging matagumpay sa pagsakop ng ibang teritoryo.Nagawa ni Caesar na mapasakanya ang pamamahala at maiproklamang diktador habang buhay. Bagaman siya ay isang mahusay na pinuno,may mga taong nainggit sa kanyang kapangyarihan.Noong 44 B.C., si Caesar ay pinagkaisahang patayin sa loob ng Senado.
Ang tatlong pinunong sumunod na namuno sa Rome ay sina Octavian,Mark Anthony at Marcus Lepidus.Pinamahalaan ni Mark Anthony ang Silangang bahagi ng Imperyo at si Octavian naman ang Kanlurang bahagi.Si Lepidus ay napilitang magretiro sa pulitika.
Nahikayat ni Octavian ang Senado na makipagdigmaan sa Pwersa nina Mark Anthony at Cleopatra.Sa digmaan sa Actium noong 31 B.C sa Greece, tinalo ni Octavian ang hukbong dagatnina Mark Anthony at Cleopatra.
Binansagan ng titulong Augustus si Octavian ng Senado, na ang kahulugan ay dakila. Simula noon ay tinawag siyang Augustus Caesar.Sa ilalim ng kanyang pamumuno lumawak ang teritoryo ng Rome—hanggang sa Spain sa kanluran, hanggang Syria sa silangan,hanggang sa Ilog Danube at Ilog Rhine sa Hilaga; at hanggang sa Egypt at Sahara saTimog.Naging isang imperyo ang Rome sa ilalim ng pamamahala ni Augustus.Itinuring na isang ginintuang panahon ang 45 taon ng kanyang pamamahala.
Sinundan ng mga emperador na Julian ang pamumuno sa Imperyo sa pagkamatay ni Augustus.Ang mga emperador na ito ay pawang may kaugnayan kay Julius Caesar. Ilan sa mga ito ay sina Tiberius,Caligula,Claudius at Nero.
Isang pangkat ng nga emperador na mahusay na pinamahalaan ang imperyo ay ang “limang mabubuting emperador”. Ito ay sina Nerva, Trajan, Hadrian, Atoninus Pius at Marcus Aurelius. Pinamunuan nila ang Rome sa Pagitan ng 96 A.D. at 180 A.D.
Sa pagkamatay ni Marcus Aurelius noong 180A.D., sumailalim ang Rome sa isang mahabang panahon ng kaguluhan at paghina ng kapangyarihan.
Makikita ang kadakilaan ng Rome sa kanyang mga ipinamana sa daigdig.Mahalaga ang kulturang klasikal o Griyego-Romano na lumaganap sa buong imperyo. Sa larangan ng arkitektura at inhenyeriya, naimbento nila ang arko, daanan ng tubig, mga daan at tulay, Pantheon, Colosseum at Bbasilica. Sa panitikan isinulat ni Virgil ang Aenid. Sa talumpatian, sumikat si Cicero at sa pilosopiya ay kinilala si Seneca. Naging batayan ng maraming bansa ang kodigo ng batas na ginawa ng mga Romano.
Sa paglaki ng teretoryo ng imperyo, nagging malaking suliranin ang pamamahala rito.Hindi nakayanang pamahalaan ng mga emperador ang buong imperyo.Noong 200 A.D., naranasan ng buong imperyo ang mga digmaang sibil at kaguluhan.Ang mga hangganan ng imperyo ay sinalakay ng mga tribung barbaro.Humina ang ekonomiya bunga ng paghina ng produksyon sa agrikultura,kalakalan at industriya.Tumaas ang mga buwis,dumami ang mahihirap at napasakamay ng ilang tao ang mga lupang pansakahan.Lumala ang katiwalian sa pamahalaan.Noong 300A.D.,nahati ng dalawang emperador--sina Constantine at Diocletian—ang imperyo.Ang imperyo sa kanluran ay bumagsak sa kamay ng isang barbarong Ostrogoth,si Odoacer,noong 476 A.D.Ang imperyo sa Silangan,na ang kabisera ay nasa Byzantium o Constantinople,ay nagpatuloy pa sa loob ng isang libong taon.